TRANSLATE THIS SITE

Itanong Mo Sa Mga Bata (Lyrics)



Photo credits: sbs.com.au
Ikaw ba'y nalulungkot, ikaw ba'y nag-iisa?Walang kaibigan, walang kasama
Ikaw ba'y nalilito, pag-iisip mo'y nagugulo?
Sa buhay ng tao, sa takbo ng buhay mo?
Ikaw ba'y isang mayaman, o ika'y isang mahirap lang
Sino sa inyong dalawa ang mas nahihirapan?

Masdan mo ang mga bata
Masdan mo ang mga bata
Ikaw ba't walang nakikita
Sa takbo ng buhay nila
Masdan mo ang mga bata
Ang buhay ay hawak nila
Masdan mo ang mga bata
Ang sagot ay 'yong makikita



Ikaw ba'y ang taong walang pakialam sa mundo
Ngunit ang katotohanan, ikaw ma'y naguguluhan
Tayo ay naglalakbay, habol natin ang buhay
Ngunit ang maging bata ba'y tulay
Tungo sa hanap nating buhay?
Masdan mo ang mga bata
Ang aral sa kanila makukuha
Ano nga ba ang gagawin
Sa buhay na hindi naman sa atin?

Itanong mo sa mga bata
Itanong mo sa mga bata
Ano ang kanilang nakikita
Sa buhay na hawak nila
Masdan mo ang mga bata
Sila ang tunay na pinagpala
Kaya dapat nating pahalagahan
Dapat din kayang kainggitan?



Masdan mo ang mga bata
Masdan mo ang mga bata
Ikaw ba't walang nakikita
Sa takbo ng buhay nila
Masdan mo ang mga bata
Ang buhay ay hawak nila
Masdan mo ang mga bata
Ang sagot ay 'yong makikita

Mga Limot Na Bayani (Lyrics)


Katawan niya'y hubad at siya'y nakapaa
Sa bukid at parang, doon makikita
Magsasaka kung siya'y tagurian
Limot na bayani sa kabukiran
Asin ng lupa na pinagpala, magsasaka

Ma-anggo ang amoy ng nasa tabi mo
Dahil sa pawis na natutuyo
Gusaling matataas kanyang itinayo
Limot na bayani sa pagawaan
Asin ng lupa na pinagpala, manggagawa



Ang bawat patak ng pawis nila
Sa buhay natin ay mahalaga, pinagpala
Maghapong nakatayo itong guro
Puyat sa mukha'y nababakas pa
Lalamuna'y tuyo sa pagtuturo
Limot na bayani sa paaralan
Asin ng lupa na pinagpala, itong guro

Ang bawat patak ng pawis nila
Sa buhay natin ay mahalaga
Pinagpala, pinagpala




Noy Pillora (Mike "Nonoy" Pillora) is a Filipino singer, songwriter, composer, arranger, performer, painter, sculpture, educator (Waldorf Education), and a creative writer of Focal Magazine in Israel.
noy pillora had been in the Philippine music scene in the last three decades of his life. He started singing with Saro Banares as a duo and called themselves ‘ Mike & Cesar .’ Later Nene (Lolita Carbon) joined them and together they founded one of the Philippines’ most popular group named ASIN.
Genre: Folk / Folk Rock
Record Label: Independent